My ABAKADA'NG kind of love

by Zee meh   Jun 9, 2008


Akala ko'y hindi kana dadating
Bakit ba ka'y tagal mo naman?
Kandahuloghulog pa loob ko sa iba
Dahil ikaw noo'y wala pa,
Ewan ko bakit ka'y 'di makita...
Galosgalos na kasi ang puso kong ito,
Halos lahat di'ko na makaya
Ikaw kasi'y non saan ba?

Lahat sana'y iyong ipinangako
Maging ang puso mo sana'y totoo
Na ika't ako lamang,
Ngayon, bukas, magpakailanman,
Oh aking mahal dalangin ko sa Puong
Maykapal,
Pag ibig nati'y maging wagas kailanman,
Raragasa man ang pagsubok sa'ting dalwa
Sana'y ako't ika'y hindi magbibitawan,
Tanging ika'y kapalaran ko
Upang katuwang nitong puso ko
Wagas itong pag ibig ko
Yaring ika't ako'y lamang laan sa wagas
nitong pag iibigan..

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments