Kulang sa pansin

by wildfiona   Aug 5, 2008


Sa bawat araw sa iyong paggising,
ako na'y naghihintay.
sa pagmulat ng mata, baka ika'y
ngumiti para lang sa akin.

sa iyong pagkain, nagbabakasali
ako man lang ay ayain.
sa iyong pag-alis, dapuan man lang
ng halik kahit sa pisngi.

ako'y kakaway, tapunan man lang ng tingin!

sa buong maghapon, walang gagawin
kundi ang maghintay.
sa telepono ay nakatunghay,
baka sakaling maalalang tawagan.

sa gabi hanggang sa umaga,
sa iyo'y maghihintay pa rin.
magbubukas ng pinto,
sa iyong pagdating.

hanggang kailan magtitiis?
hanggang kailan maghihintay?
puso ba'y walang kapaguran?
bakit umaasa, tumitibok, umiibig?

ah! baka isang araw ako'y mahalin mo rin.

at kung sakaling . . .
isang habangbuhay ay di sapat
baka sa kabilang dako . . .
ikaw ay mahanap.
baka sakaling doon . . .
ay ibigin ng ganap.

kung sakaling di mangyari . . .
dalawin na lamang . . .
ang aking libing . . .
tigib na ang tuwa . . .
salamat, at ako ri'y napansin!

020703

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

More Poems By wildfiona