SUPER HERO

by minx maiden   Sep 24, 2008


Sa panahong ika'y nag iisa
Alam mo ba kung saan pupunta?
Pwede mo siyang tawagin kahit kailan
Ano mang oras Siya ay nandiyan

Mga problemang iyong pinapasan
Hinanakit na di agad malunasan
Paglapit sa Kanya ay huwag mag alinlangan
Pagkat ikaw ay siguradong papakinggan

Huwag mainip o magalit man lang
Kung hinihiling mo may walang katuparan
Alam Niya ang kanyang ginagawa
Maghintay ka lang at Siya na ang bahala

Tulad ng sabi"Kumilos ka at tutulungan kita"
Yan talaga ang buhay kaya huwag mawalan ng pag-asa
Tiwala sa sarili at sa Kanya
Yan ang pinaka-iisa mong bala

Sino Siya?Sino Siya?
Alam mo ba?
Pinakaiisa mong masasandigan
Ating Amang Diyos ang Siyang Super Hero ng bayan

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments