Aking Munting Kaibigan

by Reach Iward   Jan 1, 2017


Lumipas na naman ang taon,
Pero kamusta naman kaya tayo ngayon?
Mga masasakit na alaala ng kahapon,
tuluyan na sanang naibaon.

Sa pagharap ng panibagong taon,
Dala'y panibagong pagkakataon.
Maliligayang samahan ng kahapon.
Ngayong taon sana'y muling maiahon.

Isa kitang matalik na kaibigan,
Hindi ito magbabago kailanman.
Malamang hindi mo ito lubusang maintindihan
Pero para sa akin, ito ay makabuluhan.

Ang makilala ka ay hindi ko maipagkakaila
Dahil katangiang kakaiba, sayo ko lamang nakita
Ang pagkakilanlan ko sayo ay hindi ordinaryo katulad ng iba
Kaya ang pagkakaibigan ko sayo ay hindi ko maisuko basta-basta

Isang beses naging mundo kita
Tuluyan natin nakilala ang isa't isa
Ang sinasabi nilang pag-ibig, ating unang naranasan.
Ngunit, ganun din natin natikman ang pait ng masaktan.

Hindi ko maipagkakaila, na ako ay may pagkakasala
Na naging dahilan na masira ang iyong tiwala
Gusto ko pa sanang ipaglaban at itama ang aking kamalian
Ngunit napansin ko na ikaw lang ang mas mahihirapan.

Hindi ko minasama ang desisyon mong lumayo
Dahil aking napagtanto na ito ay kailangan mo.
Mahirap at masakit tanggapin, pero kailangang kong sundin.
Dahil ito ang mas makakabuti, para sa iyo at para sa akin.

Marahil nga ito ay planado ng Diyos
Para bigyang panahong kilalanin ang ating sarili.
Baka sa hinaharap ating muling maiayos
Ang maganda sanang relasyon na sa atin ay binawi.

Sa nagdaang taon, marahil hindi mo pansin.
Ako'y lubusang nagaalala parin.
Sa landas na iyong tatahakin
Pagdating sa mga lalaking ika'y gustong maangkin.

Akin lamang napansin, sa mga lalaking sumunod sa akin
Mga tao na puso mo'y gustong angkinin,
Ngunit, di ka nila gustong lubusang mahalin at kilalanin
Kaya sa huli ikaw lang iiwan lang din.

Napakasakit isipin, na ito ay iyong nararanasan
Hindi lang ikaw ang nasasaktan,
kundi ako rin ay naaapektuhan
Aking mundo sa una, ginawa lang nilang libangan at hindi inalagaan.

Bilang isang kaibigan, aking gustong gampanan
Lapitan ka at hagkan, para sakit ay mabawasan
Ngunit, pagkakataon ako'y pinagkaitan
Kaya heto, ako'y walang karapatan.

Dumating tayo sa punto, na bihira na lamang ang interaksyon
Atin nga lang ba nirerespeto ang distansya sa ating dalawa?
Ngunit, ako'y napapaisip kung masaya ka ba sa ganitong sitwasyon?
Na ang ating maayos na komunikasyon ay tila nawawala na.

Tuwing gabi minsan ako'y napapatingin sa alapaap
Upang masilayan ang mga munting liwanag sa likod ng ulap
Ako'y napapaisip, sitwasyon nati'y katulad nila
Minsan nalang magparamdam, minsan nalang magpakita.

Madalas pumapasok sa aking isip na ika'y lapitan
Pumunta at mag-abang sa labas ng iyong tahanan
Umaasa na baka gusto mo rin pagusapan
at ayusin ang samahang ating nasimulan
Ngunit ito'y aking kinatatakutan,
dahil baka wala ulit itong patutunguhan.

Aaminin ko na hindi ka mawala sa aking isip
Pinilit dumistansya upang mabigyang panahon ang sarili,
Ngunit sa kabila ng lahat ikaw parin ang nasa panaginip
Namiss ko na ang aking matalik na kaibigan, ako sana'y pagbigyan muli

Huwag kang mag alala kung aking mga katanungan mahirap sagutin.
Akin lamang batid na malaman mo aking saloobin
Na sa nakalipas na mga taon, ikaw ay mahalaga sa akin
Hindi ito magbabago, dahil ika'y nakatatak na sa aking damdamin

Akin lamang panalangin na ikaw ay palaging gabayan.
Sa landas na iyong tatahakin, puso mo sana'y mabantayan.
Kung mabigat man ang iyong mga pinagdadaanan
Huwag mong kalimutan na narito rin ako handa kang damayan.

Aking munting kaibigan, isa kang diamanteng makulay
Ang isang katulad mo ay dapat ingatan at alagaan ng tunay
Bugso ng damdamin, huwag sana basta-bastang bibigay
Desisyon ng damdamin, sa Diyos muna ialay.

Star, aking nagiisang bituin.
Huwag sanang masamain aking saloobin
Mga motibo sa aking kilos sanay lubusang maintindihan
Ang Diyos ang may alam kung anong landas ating patutunguhan
Basta lagi mong tandaan na mahal parin kita bilang isang kaibigan.

-MrReachRiddle-

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

More Poems By Reach Iward