Tinuruan

by Niel Sam4na   May 21, 2017


ngaung tapos na
ang misyon ko sa inyo,
nawa`y balang araw
ay maalala nyo ako .

maalala nyong lahat,
ang ating pag hihirap,
ang ating pag sasama
na gawa ng pag sisikap.

ang tamis ng pag ka panalo
ay inyong nalasap,
di dahil sa amin,
kundi dahil sa inyong lahat .

na kahit nag karoon
ng madameng problema,
ay di nag patinag ,
at sama samang nag sumikap .

sayang nga lang mga monggoloid
dahil huling taon nyo na,
gusto ko pa sanang maulit,
at mag karoon pa ng isa ,

isa pa sanang taon
ng pakikipag laban
isa pa sanang taon
ng masayang kulitan.

na gagalak ako
at natutuwa para sa inyo,
hindi ko kinahihiya
na kayo`y tinuruan ko .

taas noo ko kayong
ipag mamalaki sa iba,
at sa lahat ng tinuruan ko
kayo ang tanging na iiba.

ngaung nalalapit na
ang inyong pag tatapos,
hangad ko na kayong lahat
ay sama samang mag tapos .

maging mabuting halimbawa
sa mga susunod na bata,
at mag tagumbay sa hinaharap
at makatulong sa kapwa.

wag nyong kalilimutan
ang mga namuong kaibigan,
ituring nyong yaman,
ang mga ala alang lilisan.

balang araw sa disinasadyang
pagkakataon
ay mabubuo ulit kayo ,

at sabay sabay nyong sasariwain
ang mga kalokohan nyo .

masaya ako
at kayo`y nakilala ko,
hanggang sa pag tanda ko,
babaunin ko ito .

ipapangako ko rin
sa inyong di ko kakaligtaan ,
ang mga masaya , makulit ,
matagumpay nating mga ala-ala ,

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments