Halaman sa Dagat

by Catchy   Jul 26, 2020


Umaapaw ang tubig sa dagat,
umuurong, bumabalik, naglalakad
Pansamantalang mga bakas
ay matutuyo’t mabubura
Maglalaho’t mapapalitan rin
tulad ng mga nauna
Malalim o mababaw,
maiksi man o mahaba
Di magtatagal ay magbabago rin
Hahanginin, lilimutin
at lulunurin
Ang kahapo’y matatapos rin
Tila’y nakatanim sa akin at
patuloy na yumayabong
Isang maganda, masalimuot
at di makalimutan
Halaman sa dagat na sa
aloy sumasabay lamang
Kasama’y mga inanod na basura

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments