Mokong talaga ang lab

by Krystyn   Aug 16, 2005


Mokong talaga ang lab
Ayun! at nasa isang sulok ka na
Lapit pa ng lapit... at nagpupumilit
Sinasabi mong ayaw mo na... pero ewan ko ba!

"Naknangtatche inlab na naman ako!"
Tili ng tili habang chika sa bespren mo
Kinikilig... ngiting aso pag sya'y naaalala mo
Ang hindi mo alam sa luha din ang bagsak mo.

Magulo... masaya... masasaktan ka
Pag hagupit ng pag-ibig sayo'y tumama
Sapul tiyak!... at ika'y iiyak
Pag mate ka sa dama ng iyong kabiyak.

"Mukha akong gago... ang tanga tanga ko!"
Eto ang madalas linya ng isang taong bigo
Di malaman san susuling... san magtatago
Parang isang kutong patago-tago.

Sinasabi ng isip ko okei ako
Minsan na akong nabigo kaya "kaya ko 'to!"
Kaso kung minsan natitigilan ako
Nagtatanong kung "okei ba talaga ako?"

Rosas... tsokolate and madalas panuyo
At ang iyong puso ay magpapauto
Patay tiyak!!... saan na naman ang bagsak mo
Pag naulit ang pangyayari nung ika'y mabigo

Mokong talaga ang lab...

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments