Trip lang..

by pinhead   Jul 28, 2006


So kamusta ka naman
sana ok ka kahit di tayo magksama
miss na kita, di mo ba nrrmdman
badtrip nga, gusto na talaga kitang makasama

kung alam mo lang kung gano kita na-mmiss
kung alam mo lang kung gano ko nawiwindang
sa tuwing makikita ka, pilit akong umaalis
kungyari di affected, kunyari parang wala lang

hindi ako sanay na di kita kinakausap
kulang ang araw pag di kita kasama
titingin s kung saan, kahit hanggang ulap
sana ma-realize mo naman akong kausapin pa

oo, marami akong kasama
muka ba kong masaya?
sa likod ng lahat ng ngiti
di mo ba naiisip na ito'y panandali

badtrip naman, ang tanga ko kasi
totoo naman, nasa'kin ang lahat ng sisi
ako ang mali, ako ang tanga
pero sana naman, bumalik ka na

tanga tanga tanga, yan ako
sana ako nama'y kausapin mo
para hindi ako nawiwindang pag nasa isang lugar tayo
nakukulob talaga ang utak ko

ui.. miss na kita
ako kaya, miss mo na?
kung hindi ma'y tanggap ko..
kung oo'y sana naman'y samahan mo ako..

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments