Kung minsan naiisip natin na malupit ang mundo,
Madalas ding sinisisi natin maging ang gumawa nito,
Sa dami ng dinaraanang lupit ng buhay,
Karamihan ay gusto na lang pumikit at mawalan ng malay
Lahat ng bagyo ay nararanasan natin dito,
Ngunit madalas ang problema ay gawa rin ng tao,
Oo, tayo-tayo rin ang may kasalanan,
Kung bakit isa't-isa'y lubos na nahihirapan
Sino ba ang dahilan ng polusyon at pagkasira ng kalikasan?
Dapat bang isisi ito sa mga insekto at hayop na walang kinalaman?
At sa mga taong di nagkakasundo sa ilang prinsipyo at ipinaglalaban,
Na nagdesisyon na lamang daanin lahat sa pag-papatayan
Minsan di ko maiwansan ang biglang mapahinto,
Magmuni-muni sa tanong na bumabagabag sa isip ko,
Kung mas masahol pa ang asal natin sa mga hayop sa balat ng lupa,
Bakit pa kaya tayo ang napiling gawing pinakamataas na uri ng nilikha?