or sign in with e-mail
by Vic Nov 11, 2006 category : Internet slang / other
Bakit nga ba, sinta, Ako'y laging inaape? May sumpo bang nakatago Na hindi mo lang masabi? Ayoko nang masaktan pa Kaya kung pwede pa, tumigil ka. Sabihin mo sa akin Bulong ng iyong damdamin. Maliban sa kalungkutan At galit na pinapakita ko. May nararamdaman akong Takot, medyo, para sa'yo. Nag-iba na ba'ng lahat? Nawala ba ang pag-ibig? Ako ba ay maiiwan Mag-isa lang sa dilim? Naiinip ako, mahal. Sana lang makita mo Talagang hindi kakayanin Ng mahina kong puso. Kahit anong kasalanan ko, Lahat ay gagawin Para lang makabawi At makapiling ka muli. Ito na siguro Ang huling paraan, Mapatawad mo ako At limutin ang nakaraan. Sige na, Mahal. Tapos na ang aking tula. Makipagbati na tayo Para hindi na ako magwala...