or sign in with e-mail
by Nowhere Man Nov 5, 2007 category : Miscellaneous / Misc. poems
Nandyan na naman ang itim na ulap unti-unting tinatakpan ang langit ihanda mo na ang 'yong dibdib lumaganap na ang lungkot sa buong paligid. Sino pa kaya ang makakapigil diyan kung ang luha nga minsa'y di mapigilan? sino pa kaya ang dapat sisihin? ba't 'di mo na lang itanong sa hangin? Ulan, ulan ba't ka, ba't ka ganyan? dumadating, umaalis ng walang paalam ulan tumawa ka na lang hanggang sa tumigil ang ulan. Habang palakas ang ulan lumalakbay din ang iyong isipan maya-maya'y 'di mo lang mamamalayan nangangarap ka na pala sa malamig mong unan O kailan pa kaya lilipas ang ulan? at nang mapawi na ang kalumbayan payo lang sa mga naaabutan diyan maghanap na kayo ng masisilungan Balak ko pa naman sanang mamasyal kasama ang aking mahal naririnig kaya ako ng maykapal idadaan na lamang sa dasal.